#11 isang nakakatawang panaginip at dalawang wa-poise moments
September 22, 2006hiatus my ass. hehe. may kwento ako e
kwentos pala.
yung nakakatawang panaginip muna.
nasa chatroom kami ni dinah noon nung napagkuwentuhan namin ang mga dream interpretations. sabi niya, kapag nakapanaginip ka raw ng isang artista, matutupad raw yung pinaka-wini-wish mo. OOOH… na-excite naman ako. sabi ko e di WAW yun kapag ang napanaginipan ko ay ang Metro Manila Filmfest Parade of Stars na nagaganap tuwing bisperas ng pasko along Roxas Boulevard! Barrage of stars!!! hehehe. yung napanaginipan ko naman, not quite the Parade of Stars that i was hoping for, pero close na rin. napanaginipan ko na guest daw ako sa The Sharon Cuneta Show featuring Kamikazee and Allan K! O ha?! hahaha! astigastig. gumising akong tumatawa. niiice.
wa-poise moments naman!
saturday, september 16, 2006
dinayo namin ni laya ang MADE exhibit ng metrobank foundation sa le pavillion sa tabi ng toyota mb (manila bay). natyempuhan namin ang isang art lecture with cid reyes (but is it art? new trends and directions). bago nag-umpisa ang astig na lecture, meron munang powerpoint presentation kung saan ipinaliwanag ang MADE. pinapakita ang works ng mga past winners habang nag-s-scroll sa screen ang mga apelyido ng mga artists kaya't inabangan namin ang pangalan ng aming kuya eebil leslie de chavez… ang tagal. ayun! lumabas na rin! masyado akong na-excite! bigla tuloy ako napaturo sa screen sabay bulalas ng isang high-pitched "SI LESLIE!!!" oops. napatingin tuloy sakin yung mga istyudents around us. kahiya. hehe. surname pa lang yun ni kuya ha. haha.
friday, september 22, 2006
job interview sa loob ng building na nasa kanto ng ayala at paseo de roxas. dumating ako 30 minutes earlier than the appointed time. i was ready to wait for 30 minutes sa kanilang reception area, when the person (Mr. M.) i was supposed to meet came out to meet me. i actually apologized to the senior HR associate for ariving too early. ewan. basta. he said ok lang naman daw. "did you come all the way from gatchalian?" i said yes. he said: "you know that's where i live too." eto next scene:
Chie: (wide-eyed and excited) "WAW! talaga!?"
Mr. M: (nods)
Chie: galing! (apir!)
Mr. M: (naki-apir naman)
grabe. i forgot myself na naman. makipag-apir ba sa Senior HR Associate ng isang kapita-pitagang foundation sa pilipinas????
Previous Comments
sus me naku apir ka? ahaha
saang bldh ka pumunta dito? andito lang din ako ayala paseo eheheh
Posted by eric at October 1, 2006, 3:39 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









hahaha! nice one ate (on job interview)!!
Posted by ode at September 26, 2006, 8:38 am